Sunday, November 29, 2009

making way for joaquin hyde


Ganito na ang itsura ni ria.Hehe. Kaya dapat maghanda na...

Last year ganito ang workstation ko. Pero for the past few weeks medyo nagayos kami ni ria for baby Hyde.




Binutas namin yung pader para magkaroon ng daan from my workstation papunta sa room para mas madaling puntahan si baby Hyde pag nagtatrabaho ako. Shell drapery from Sir Raffy! Salamat! Salamat!



Stroller and car seat galing kay Teacher Tet! Thank you po! We love you. At ang computer na gumagana pero wala pang mapagisipan na paglalagyan. hehe!

Painting na 'di alam kung kelan tatapusin. Sa may door, sa ilalim ng table, may gamit pa din si baby Hyde pero di ko alam kung paano gamitin. Diyan daw siya papaliguan. Galing din kay Teacher Tet.

Binutas na pader, view from the other side.



Painting na malamang ay tatanggalin dahil R18.


Crib galing kina Jessy at Bernard! Salamat ng madami! Balak ko, lagyan ng pintura o tarpaulin yung sa taas ng crib kasi nainggit ako kay Niknok nung gumawa sya ng Ben 10 na mural para kay Neiman. Haha!



Salamat sa mga nagbigay ng mga gamit! Sana next year makaipon para sa roofdeck na plano namin...

Wednesday, November 18, 2009

baby Boy Experto's punching power



Okay naman si mommy, no harm done. Siguro, na excite lang sya sa laban ni pacman last sunday.

Thursday, November 12, 2009

OMG!

Buti pa nung bata ako, ‘pag sumikat na ang araw at maliwanag na ang paligid, nawawala na ang mga maligno sa paanan ng kama ko. Ngayon, sa madaling araw kung kelan madilim, tsaka lang ako may katahimikan. ‘Pag dumating na ang alas sais ng umaga, ‘pag may ibang tao ng gising, nagsisimula na akong kabahan. Paano ko nanaman tatapusin ang araw na ‘to?

Ang daming responsibilidad para sa kakarampot na kung ano man at minsan nga ay para pa talaga sa wala. Para akong nagmamakaawa para sa mga bagay na akin naman talaga, dapat nga sana ay mas higit pa. Paano ko nga ba tatakasan ang ganito? Madaming tao naman ang mas relax at mas nakukuha ang resulta na gusto nila.

Masochist lang ba talaga ako? Madalas kasi ‘pag walang pumatak na dugo, pakiramdam ko hinde para sa akin ang bagay na ‘yon, eh. Hinde ako karapat-dapat para doon.

Nagdadasal sa harap ng TV. Naluluha sa tapat ng computer. Naawa sa sarili at nangangarap ng gising. Alam ko naman na stage lang ‘to na pagdadaanan ko. Lilipas din. Sana lumipas na. Hirap na, eh.