Masama lang araw ko, pagbigyan niyo na ko. Pasensya na...

Walang magawa. Walang pinupuntahan. Parang asong ulol na habol ang sariling buntot. Parang tae na nasa inidoro, walang ibang pupuntahan kung ‘di pababa.

PUT#$@%^#%!!!! talaga, para saan ba talaga ‘tong mga ginagawa ko? Habang tumatagal, lalong nagiging supot. Nanahimik. ‘Di man lang maipaglaban ang sarili, ‘di man lang makapagbisyo. Sumusunod sa agos at nalulunod. Mapupuno ng tubig ang dibdib, ‘di makakahinga pero hindi pa mamatay. Parang impyerno, deretso lang ang parusa, kala mo patay ka na, ‘di pa pala. Naglalakad na bangkay.

Ibigay ang hilig ng mundo at kalimutan ang sarili. Mamatay ng dilat ang mata.

2 comments:

Tine said...

pucha ang deep. hindi ko kaya..
ipagbibisyo na lang kita pre.

Boy Experto said...

la eh. minamalas minsan eh.