
Ang entrada ko nung huling Disyempre...
Bagong taon pero luma ang problema. Traffic pa din sa EDSA. Parang si Kamatayan pa din ang mga bus drivers. May Skyway na sa Sucat pero mas naging traffic pa ata. May kotse nga walang namang humpay naman sa pagtaas ang gasolina. Tingin ko sa 2011 ganun pa din ang mga problema na 'to. Wala akong alam na solusyon kung 'di ang pagalis ng maaga para makarating sa oras sa pupuntahan.
At ganun nga halos ang nangyari buong taon.
Natutawa naman ako, madami din pala akong nagawa ng 2011. Nakapagsarili kaming mag-anak. Nagtrabaho pa din ng walang humpay. Nangarap ng gising.
Katulad ng 2011, nagsimula at nagtatapos ang taon na ito sa paborito kong bisyo, si Hyde.
Ang aking mag-ina ang aking gasolina para tumakbo. Tumakbo ng mga 90 kph, 'di gaanong mabilis pero hinde naman papahuli.
Ngayong 2012, gusto kong mamasyal at maginterior designer. Gusto kong makita ang mundo sa ibang angulo. Gusto kong makatikim ng iba't ibang putahe.Bago. Gusto ko ng bago.
Ang pinakamahalagang natutunan ko ngayong taon ay ang salitang "kaya naman pala...".
Kaya naman pala...
magsarili
'di ipagpaliban ang mga gagawin
mangarap ng mas mataas pa ng konti
tumanggi paminsan-minsan
mag-budget
Natutunan ko din na nakaka-stress sumayaw sa tugtog pero hindi ka puwedeng tumigil. Gusto mo ibahin mo ng konti ang sequence, pero 'wag na 'wag kang titigil. Wala kang karapatang tumigil at mas lalong 'di mogugustuhin na tumigil.
May mga bagay na nakamanhiran ko na ngayong taon. May mga bagay na lalong pinag-alab. Nagbago sa 'di ko masabi kung mas maganda o pangit pero nagbago.
2012. Mas matatag na ako ang haharap sa 'yo. Handa ka na ba sa pagsalubong ko? Kasi handa na ko sa pagdating mo. Manigong bagong taon!
0 comments:
Post a Comment